Emergency Hotline 911 sa bansa, balik-operasyon na

Emergency Hotline 911 sa bansa, balik-operasyon na

BALIK-operasyon na ang Emergency Hotline 911 matapos makarekober ang ilan sa emergency telecommunicators mula sa sakit na COVID-19.

Buwan ng Agosto nang pansamantalang itinigil ang operasyon ng Emergency Hotline 911 ng bansa matapos tamaan ng coronavirus disease 2019 ang limang telecommunicators ng National Call Center  o NCC.

Kaya agad na nakipag-ugnayan ang pamahalaan kung may mga emergency na maaari itawag ito sa hotline ng mga local government units (LGUs) o kaya ay sa lokal na himpilan ng pulisya.

“Malugod pong naming ipinapaalam sa lahat na balik sa normal na po ang ating operasyon sa E911 hotline. Maraming salamat sa inyong pang-uunawa at dasal, nalampasan na ng ating mga kasamahan sa National Call Center ang pagsubok na ito,” pag-anunsiyo ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.

Ang National Emergency Hotline 911 ang kadalasang tinatawagan ng publiko para sa mga emergency situation tulad ng sunog, aksidente, tulong medical, at maraming iba pa.

Kaugnay nito, nauna na ring ipinanawagan ng DILG ang kakulangan ng tauhan sa National Call Center para tugunan Ang milyon-milyong tawag at paghingi ng tulong ng mga tao sa kanilang tanggapan

“We have currently four teams: Team Lapulapu, Team Rizal, Team Bonifacio, and Team Tandang Sora with 18 ETCs each who work round the clock on a 24-hour work shift due to transportation issues,” ayon pa ni Año.

Batay sa datos ng DILG, nito lamang 2019, umabot sa 18.482 million E-911 calls sa ahensiya mula sa 1.46-million noong 2016.

At mas tumaas pa ito sa pagpasok ng pandemya na  COVID-19 sa bansa.

Samantala, bukas pa rin ang DILG sa pagtanggap ng dagdag na contact tracers sa bansa.

SA kanilang tala, mula sa 50,000 na contact tracers, nasa sampung libo palang ang nakapag-aplay dito.

Kasabay ng pakiusap sa publiko na makipagtulungan sa pamahalaan para sa tuloy-tuloy na pagsugpo sa sakit na COVID-19.

“As soon as they are deemed qualified, by the selection board, they will be hired, trained and deployed to the various LGUs,” wika ni Año.

Nasa P18, 784 kada buwan ang sahod ng contact tracers na kinuha mula sa pondo galing sa Bayanihan to Heal as One Act 2.

Mula sa makukuhang bilang  ng aplikante, 19.2 percent dito ay kukunin ng National Capital Region dahil  ito ang may pinakamalaking kontribusyon ng mabilis na hawaan ng sakit na COVID-19.

“Mas.maraming naitatalang kaso, doon maglagay Ng mas maraming bagong contact tracer. Our new contact tracers will operate and work in all the regions in the country with NCR having the biggest number,” ayon kay DILG Usec. Jonathan Malaya.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *