magtatanghal
Showbiz

Ely Buendia, magtatanghal kasama ang “Ang Huling El Bimbo” musical cast

Matapos ang matagumpay na run ng “Ang Huling El Bimbo” theater musical noong Agosto ay tila aarangkada pa ang cast nito sa isa pang pagkakataon.

Makalipas ang isang buwan matapos ang kanilang final bow, inanunsyo ng production team ng musical ang pagbabalik entablado nito.

At hindi lang basta-basta dahil makakasamang magtatanghal ng cast ang mismong lead vocalist ng bandang Eraserheads na si Ely Buendia.

Sinasabing “Pinoy Rock-and-Roll Meets Theater” ang dapat abangan ng mga fans sa pakikipagsanib pwersa ni Ely sa teatro.

May pamagat ng “A Night At Theater” ang naturang pagtatanghal na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater sa December 8.

Ang naturang musical ay isinulat nina Dingdong Novenario sa ilalim ng direksyon ni Jamie Wilson.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *