Metro

ELECTRICAL FAILURE: Mga pasahero ng MRT-3, pinababa

 AABOT sa higit 700 na pasahero ng Metro Rail Transit (MRT)-3 ang biglang pinababa sa Cubao Station Southbound, kagabi.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ‘Faulty Electrical Components’ ang nakikitang sanhi ng problema kung bakit naka amoy usok na tila may nasusunog na linya sa tren.
Agad namang pinasakay ang mga pinababang pasahero nang dumating ang kasunod nitong tren.
Mababatid na noong isang gabi, ay nagpababa rin ng 1,000 mga pasahero sa Guadalupe Station dahil sa parehong insidente.
(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *