Election violence
National

Election violence ngayong 2019, mas bumaba

BUMABA ang bilang ng mga insidente ng election violence o Election Related Incidents (ERIs) ang ginanap na 2019 Midterm Elections sa bansa.

Sa tala ng PNP, bumaba ng 55 percent ang mga karahasan na may bahid pulitika.

Ayon kay PNP Spokesman Police Col. Bernard Banac, sa pagsisimula ng election period noong Enero a-13 hanggang Hunyo 6, 2019 ay nakapagtala ang PNP ng 60 insidente na may kaugnayan sa election.

Habang nasa 85 ang biktima sa pre-election; 16 sa mismong araw ng halalan at 12 naman sa post-election.

Sa kabuuan, umabot sa 113 biktima na nasugatan at nasawi sa karahasang may kinalaman sa pulitika.

Mula sa nasabing bilang, 23 ang nasawi, 46 ang nasugatan at 44 ang nakaligtas.

Samantala, sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang gun ban na tatagal hanggang Hunyo 12 matapos maiproklama ang lahat ng mga nagwaging kandidato.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *