2019 midterm election
National

Election period para sa 2019 midterm election, nag-umpisa na

NAGSIMULA nang ipatupad ng Philippine National Police (PNP) ang 150 day election period kahapon para sa may 13 2019 midterm election.

Mas pinaigiting ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad sa buong bansa para sa pagsisimula ng election period.

Inatasan ni PNP Chief Oscar Albayalde ang lahat ng kaniyang mga field commanders na istriktong ipatupad ang kani-kanilang checkpoints operations.

Ito ay upang mahuli ang mga kriminal na nagbibitbit ng mga loose firearms, improvised explosive device, at iba pang mga armas.

Sinimulan na ring ipatupad ng Comelec at PNP ang gun ban sa buong bansa.

Ipinagbabawal maging sa mga licensed gun owners ang magbitbit ng armas sa labas ng kanilang tahanan.

Maliban na lamang kung mayroong comelec exemption.

Ayon kay PNP Chief Albayalde, exempted sa gun ban ang mga pulis na naka-uniporme at naka-duty.

Kabilang ang mga sundalo, Philippine Coast Guard, National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

At iba pang mga law enforcement agencies gayundin ang mga private security agencies.

Maaari namang mag-apply ng security escorts sa PNP Police Security and Protection Group ang mga politiko na may banta sa kanilang buhay.

Tatagal ang Comelec checkpoint at election gun ban Hunyo 12 2019.

18 election hot spots, tinukoy ng PNP

TINUKOY na ng Philippine National Police (PNP) ang labing walong lugar na kabilang sa election hot spots.

Para ito sa nalalapit na plebisito ng Bangsamoro Organic Law (BOL) at midterm elections.

Ang BOL plebecite ay isasagawa sa darating na Enero 21 para sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Kabilang din ang Isabela City sa Basilan, at Cotabato City.

Habang sa Pebrero 6 naman ang plebesito sa anim na munisipalidad ng North Cotabato at sa Lanao del Norte maliban sa Iligan City.

Sa Mayo 13 naman ang midterm elections.

Karamihan sa mga lugar na tinututukan ng PNP at Armed Forces of the Philippines ay mula sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Kabilang ang Maguindanao at Lanao del Sur.

Mga kandidato sa 2019 midterm elections, lumahok sa Unity Walk

NAGSAGAWA ng Unity Walk ang mga kandidato sa 2019 midterm elections.

Nakiisa sa Unity Walk ang Commission on Elections (Comelec) at Department of Interior and Local Government (DILG).

Para ipanawagan ang mapayapang ng halalan sa Mayo 2019.

Umabot sa anim na libong katao ang nakibahagi sa Unity Walk.

Kasabay ng inter-faith prayer rally at peace covenant signing sa Quezon Memorial Circle sa lungsod ng Quezon.

Nakibahagi rin sa aktibidad ang mga kawani ng National Police Commission, Department of Justice, at the Department of Education.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *