election gun ban
National

Election gun ban, natapos na; mahigit 6, 000 katao nahuling lumabag

PORMAL nang nagtapos ang ipinatupad na election gun ban sa panahon ng eleksyon.

Sa datos ng Philippine National Police (PNP) mula January 13 hanggang June 9, umabot sa 6, 302 ang nahuling lumabag sa election gun ban.

Habang aabot sa 5, 259 na mga armas at 49, 889 na iba’t ibang uri ng deadly weapons ang nasamsam ng mga otoridad.

Nagpasalamat naman si PNP Spokesperson Police Colonel Bernard Banac sa kooperasyon ng publiko.

Bagama’t maaari na muling magdala ng baril ay pinatitiyak ng opisyal sa mga gun owner na balido ang kanilang permit to carry firearms.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *