Ekonomiya ng bansa sa third quarter
National

Ekonomiya ng bansa sa third quarter ng taon, lumago sa 6.2%

LUMAGO ang ekonomiya ng bansa sa third quarter ng taon batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Naitala sa 6.2% ang gross domestic product o GDP growth ng bansa.

Mas mataas ito sa 5.5% na paglago noong ikalawang quarter ng 2019 at sa 6.0% mula sa nakaraang taon.

Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, kabilang sa may pinakamataas na kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ang services sector na may 6.9%, sinundan ng industry sector na tumaas sa 5.6% habang lumago ang agriculture sa 3.1%.

Una nang iniulat ng PSA ang pagbagal ng inflation rate sa bansa sa 0.8% na pinakamababang naitala mula 2016.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *