Ekonomiya, nakahihinga subalit wala pang nakikitang recovery—  FFCCCII

Ekonomiya, nakahihinga subalit wala pang nakikitang recovery— FFCCCII

NAKAHIHINGA na ngayong alert level 3 ang ekonomiya ang bansa subalit hindi pa nakakikita ang recovery dahil sa haba ng lockdown.

Ayon ito sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII).

Dahil dito, bagama’t pinapasalamatan ng FFCCCII ang pagsasailalim ng Metro Manila sa alert level 3, umaasa sila na sana’y makabalik na sa 70 hanggang 80% para makabangon na ang mga negosyo gaya nalang ng mga restaurant.

Ayon kay FFCCCII President Dr. Henry Lim Bon Liong sa panayam ng  SMNI News, halos P100-B na ang nawawala sa mga myembro ng kanilang asosasyon.

“Kaya marami ng umiiyak na miyembro sa amin dahil dito, lalo na itong mga retired industries natin, may mga sa mall, yung mga may 200 stores whatever, nagbebenta ng sapatos, nagbebenta ng school supplies, nagbebenta ng damit, lahat to ay apektado sila dito eh,” pahayag ni Dr. Bon Liong.

Umaasa naman sila na mahihikayat na rin ang mga tao na lumabas at gumastos para iikot ang ekonomiya.

Umaasa naman si Bon Liong na muling makababawi ang ekonomiya sa last quarter ng taon.

SMNI NEWS