Ejay Falcon, tatakbo raw sa 2022 Elections

Ejay Falcon, tatakbo raw sa 2022 Elections

BALI-Balita na ang pagtakbo sa pulitika ng aktor na si Ejay Falcon.

Ito’y base sa mga ipinapakitang larawan ng mga tagasuporta ng aktor kung saan bumibisita ito sa iba’t ibang bayan sa probinsya nito sa Oriental Mindoro.

Meron pa itong larawan na kasama si Oriental Mindoro Governor Humerlito ‘Bonz’ Dolor.

Ipinakita rin sa isang video ang pagpapakilala ni Ejay hindi bilang artista kundi bilang kapwa Mindoreño na gustong maglingkod sa taumbayan.

Samantala, humihingi ngayon ng tulong pinansyal ang character actor na si Dido dela Paz dahil sa iniindang sakit na malignant adenoid cancer mula pa noong 2018.

Ang adenoid cancer ay isang bihirang klase ng cancer na kadalasang tinatamaan ang salivary glands o sa ibang bahagi ng leeg at ulo.

Sa Facebook post ng aktor, inihayag nitong desperadong-desperado na ito dahil wala na silang suplay ng pagkain sa susunod na mga araw, wala nang mauutangan at hindi na rin sinasagot sa kanyang mga sinisingil sa kanyang trabaho.

Agad naman aniyang sumaklolo ang kanyang mga kaibigan kaya naabutan sila para sa kanilang pagkain.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *