Ejay Falcon, bibida sa isang pinakabagong historical movie

Ejay Falcon, bibida sa isang pinakabagong historical movie

MASAYA ang aktor na si Ejay Falcon matapos siyang mapili bilang main cast ng pinakabagong historical film na “Balangiga 1901.”

Ayon kay Ejay gustong gusto niya ang mga ganitong proyekto kung saan nababalikan ang kasaysayan.

Dagdag pa dito, hindi hadlang para kay Ejay ang COVID-19 dahil kahit ganito ang kasalukuyang sitwasyon ay handa siyang sumabak sa lock-in shooting na gagawin sa Tarlac.

Samantala, ididirehe naman ang naturang palabas ni Danny G. Marquez sa ilalim ng produksyon ng Jarrimine Fortuna Film Production Corp.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *