Pilipinong Muslim
National

Eid’l Fitr, ipinagdiriwang ng mga Pilipinong Muslim

DUMAGSA ang milyun-milyong Pilipinong Muslim sa mga mosque sa kani-kanilang komunidad para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan ngayong araw.

Sa Quirino Grandstand sa Maynila at Quezon Memorial Circle ay maagang nagtipon-tipon ang libo-libong mga Muslim para sa pagdiriwang.

Dagsa rin ang nagtungo sa Blue Mosque sa Taguig, Golden Mosque sa Quiapo, Luneta Park sa Maynila, Barangay Culiat sa Quezon City at iba’t ibang lugar sa bansa para sa isa sa pinakaimportanteng okasyon sa Islamic calendar.

Kaninang 7:00 ng umaga nang simulan ng mga Muslim ang kanilang congregational prayer at susundan ng salo-salo ng bawat pamilya.

Bantay-sarado naman ng PNP at AFP ang isinasagawang pagdiriwang para matiyak ang seguridad at kaayusan ng selebrasyon.

 SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *