Eid al-Adha, binuhay muli ang mga negosyo sa Dubai

Eid al-Adha, binuhay muli ang mga negosyo sa Dubai

NABUHAY muli ang mga negosyo sa Dubai dahil sa Eid al-Adha.

Unti-unti nang bumabalik sa normal ang mga negosyo sa Dubai ayon sa mga may-ari ng shop sa commercial district ng bansa.

Dumagsa ang mga kustomer sa Meena Bazaar para mamili sa selebrasyon ng Eid al-Adha bunsod upang nabuhay muli ang mga negosyo.

Buhay na buhay naman muli ang Bur Market tuwing selebrasyon ng Eid al-Adha at Diwali.

Matatandaan simula ng magpandemya lubos na naapektuhan ang aktibidad ng mga negosyo, daan-daang shop ang nagsara sa merkado dahil sa stay at home order noong nakaraang taon.

Gayunpaman, dumami na muli ang mga residente at turista na bumibisita sa distrito upang mamili ng mga traditional Pakistani at Indian garments, textile, gold, relo at bag sa nakaraang tatlong buwan.

Nagbibigay ng malaking tulong sa mga negosyante ang pagdiriwang ng Eid al-Adha.

“The ready-to-wear area in the bazaar is doing really well this Eid al-Adha. There are so many customers there,” ayon Mr. Dadlani, manager ng Regal Fabrics ng Meena Bazaar.

“There’s definitely an improvement from last year. In the past few months, we have been seeing more customers.”

“For Eid Al Adha, we’ve had about 15 customers walk in just today, asking about where they can find ready-to-wear clothing and we pointed them in the right direction. That’s a great sign that things are getting better,” dagdag pa ng negosyante.

Mapapabuti pa ang mga negosyo kapag nagpapatuloy ang mga commercial flight sa bansa ng Timog Asya sa kabila ng pandemya.

“I’m waiting for the flights to reopen and then we will see business grow even more,” ayon kay Mr. Dadlani

“Tourist numbers are low, so it’s not as busy as it used to be before the pandemic. Things will get better once the pandemic is over,”dagdag nito.

Samantala, patuloy namang sinisiguro ng mga negosyo na nasusunod ang mga safety measures sa establisimyento tulad ng pagsusuot ng facemask at pagpapanatili ng social distancing.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *