Houthi rebels
International

Egypt, kinondena ang Houthi rebels dahil sa pag-atake sa Saudi Arabia

KINONDENA ng bansang Egypt ang mga drone attacks na inako ng Houthi rebels ng Yemen laban sa oil pipeline at iba pang energy infrastructure sa Saudi Arabia.

Dinahilan ng Houthi rebels sa kanilang drone assaults ay bilang panawagan sa Kingdom of Saudi Arabia na itigil na nito ang pananalakay sa Yemen.

Nagpahayag naman ng pakikiisa ang Egypt sa Saudi Arabia upang labanan ang anumang terorismo at banta sa national security ng bansa.

Ang nasabing pag-atake ay huling insidente matapos ang umano’y pagsabotahe sa dalawang Saudi oil tankers at dalawang vessels sa karagatang malapit sa United Arab Emirates.

Ang nangyaring mga pag-atake ay nagpapatindi sa tensyon sa pagitan ng Amerika at Iran.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *