Edukasyon ng mga indigenous people, prayoridad ng A Teachers Partylist

Edukasyon ng mga indigenous people, prayoridad ng A Teachers Partylist

MAGIGING prayoridad ng ‘A Teachers Partylist’ ang edukasyon ng mga indigenous people o ng mga katutubo.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay ‘A Teachers Partylist’ First Nominee Ryan Taclan, inihayag nitong mas lalo aniyang nahihirapan ang mga katutubo sa pag-aaral dahil sa nararanasang pandemya.

Ayon kay Taclan, target din ng ATP na mapaunlad ang Information and Communications Technology (IT) ng bansa para matugunan ang kahirapan sa online education.

Ito ay dahil karamihan aniya sa mga guro na nasa kanayunan ay walang internet connection.

Maliban pa dito, binigyang-diin din ni Taclan na layunin din nilang taasan ang sweldo ng mga guro at mabigyan ng karagdagang mga insentibo.

Tututukan din ng grupo ang mga potensyal na atleta sa mga kanayunan na hindi masyadong nasusuportahan at nabibigyang-pansin.

Taong 2007 nang unang maupo sa pwesto bilang kinatawan ng mga guro sa Kongreso ang ATP.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *