Educational shows sa mga bata sa lahat ng telebisyon at radyo, ipinanawagan

Educational shows sa mga bata sa lahat ng telebisyon at radyo, ipinanawagan

IGINIIT ni ACT-CIS Partylist Rep. Niña Taduran na kinakailangan na magkaroon ng mga educational shows para sa mga bata.

Ito ay para matulungan ang mga kabataan sa distance learning program ng pamahalaan habang nagdurusa pa rin ang bansa sa COVID-19.

Kaya naman nanawagan ang Asst. Majority leader sa lahat ng istasyon ng telebisyon at radyo na ibalik ang mga palabas na pambata na maaaring makatulong sa pagpapalawak at pag-unlad ng bokabularyo at kaalaman sa mathematics, gayundin ang pagsusulong ng kagandahang asal.

Hinikayat ng mambabatas ang media networks na makipagtulungan sa Department of Education (DepEd) sa posibleng produksyon ng mga bagong educational shows na makakatulong sa mga mag-aaral.

Ipinaalala ni Taduran sa mga media networks na may obligasyon silang gumawa ng mga palatuntunang pambata batay sa Broadcast Code of 2007 ng kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.

“Sa ilalim ng Broadcast Code ng KBP, dapat ay 15% ng mga programa sa telebisyon at radyo ay para sa mga bata. It is the responsibility of the TV and radio stations to promote mental, physical, social and emotional development of the children through their programs,” pahayag ni Taduran.

Idinagdag pa ng mambabatas na sa halip na punahin ang mga mali ng DepEd sa kanilang modules, dapat ay tulungan pa nila ito na mapaunlad ang kanilang distance learning system.

“Sa halip na pumuna lang, dapat ay makipagtulungan tayo sa DepEd para maitama ang mga mali sa kanilang modules. Kung mayroon man kayong nakikitang problema, hindi ba mas maganda kung may maipo-propose kayong solusyon?” aniya pa.

 SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *