Eduard Folayang, pinabulaanan ang balitang magreretiro na siya

Eduard Folayang, pinabulaanan ang balitang magreretiro na siya

MARIING itinanggi ni Eduard Folayang na magreretiro na siya sa mixed martial arts.

Ayon sa two-time former One Lightweight World Champion, alam niya na marami ang nag-iisip na dapat na siyang magretiro at naiintindihan niya ang mga ito ngunit ang salitang retirement aniya ay wala sa kanyang bokabularyo.

Dagdag ni Folayang naniniwala siya na marami pa siyang potensyal na maaaring ibahagi.

Gayunpaman, kailangang patunayan ni Folayang ang kanyang sarili matapos itong matalo ng tatlong beses sa kanyang huling apat na laban sa One Championship.

Haharap naman si Folayang sa isang must-win situation sa One: Inside the Matrix na gaganapin sa Biyernes kungsaan makakaharap niya ang higit na mas batang Australian mixed-martial artist na si Antonio Caruso.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *