Regional

Eastern Samar, niyanig ng Magnitude 6.2 na lindol

NIYANIG naman ng Magnitude 6.2 na lindol ang San Julian, Eastern Samar.

Ito’y matapos yaniginng magnitude 6.1 na lindol ang Luzon kahapon,

Naitala ang pagyanig sa 19 kilometro hilagang-kanluran ng bayan ng San Julian, kaninang alas 1:37 ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin na lindol at may lalim na 17 kilometro.

Naramdaman ang Intensity 5 sa Tacloban City at Catbalogan, Samar.

Habang Instrumental Intensity 4 naman sa Masbate City Masbate, Legazpi City at Sorsogon City.

Inaasahan naman ang pinsala at aftershocks matapos ang lindol.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *