E-cigarette o vape
Health

E-cigarette o vape mapanganib, ayon sa WHO at DOH

NILINAW ngayon ng World Health Organization at Department of Health na mapanganib sa kalusugan ang paggamit ng e-cigarette o vape

Ginagawa ng WHO at DOH ang pahayag kasunod ng ipinakakalat na impormasyon ng mga manufacturer at user na ligtas gamitin ang vapes.

Kaugnay nito, inilunsad ng WHO ang bagong ICD codes para sa mga karamdaman na dulot nang paghitit ng e-cigar.

Ang  New International Classification of Disease o ICD 20 Code U07.0, ay  international tool na gagamitin upang maklasipika at marekumenda ang naturang sakit, na gagamitin sa pagrereport ng mga pasyenteng tinamaan ng malalang sakit dulot nang paggamit ng e-cigar.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, inilalagay lamang ng mga gumagamit ng vape ang kanilang buhay sa peligro.

Batay naman aniya sa datos ng Estado Unidos, mayroon ng 1,299 na kaso ng vape-related illness kung saan 26 dito ang namatay.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *