Dwight Ramos, makakasama na sa Toyama Grouses sa B. League

Dwight Ramos, makakasama na sa Toyama Grouses sa B. League

MAKAKASAMA na sa Toyama Grouses sa B.League si Dwight Ramos matapos makalabas sa quarantine.

Natapos na ang labing-apat na araw na quarantine sa Japan ng Fil-Am basketball player na si Dwight Ramos.

Sa kanyang instagram account, sinabi ni Ramos na excited na itong makasama at makapagpraktis kasama ang kanyang team na Toyama Grouses sa B. League.

Matatandaan na apat na laro ng Toyama ang na-missed ni Ramos kung saan lahat ay talo.

Inaasahan namang makapaglaro ngayong weekend si Ramos sa laro ng Toyama kontra Nagoya Diamond Dolphins.

Kabilang si Ramos sa walong pilipinong nakapaglaro sa B.League 2021-22 season kasama nina Ray Parks Jr. sa Nagoya Diamond Dophins, Kobe para sa Niigata Albires, Javie Gomez De Liano sa Ibaraki Robots, Thirdy Ravena sa San-En Neo Phoenix, Kiefer Ravena ng Shiga Lakestarts, Kemark Carino ng Aomori wats at Juan Gomez De Liano sa earthfriends Tokyo Z.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *