Dwyane Wade
Sports

Dwyane Wade, mas pipiliing muling makapaglaro sa Miami Heat

Malaking katanungan pa din ng marami ang magiging desisyon at susunod na NBA career move ng All Star Player na si Dwyane Wade.

Pero aniya mas gugustuhin nitong makapagsuot muli ng jersey ng Miami Heat kung sakaling sasabak muli sa NBA.

Sa naging pahayag ni Wade matapos bumisita sa JR NBA World Championship, giniit nito na wala pa siyang timetable sa kanyang magiging pagbalik ngayong season pero Miami Heat lamang ang kanyang kinukonsiderang koponan.

“I don’t still have a timetable for when I’ll make a decision on whether to return to the Heat this season.”

“Heat is the only team I am considering,” ayon kay Dwyane Wade

Ito na ang pang 16th season ni Wade kung sakaling babalik pa sa paglalaro at mayroon na lamang 6 na linggo bago magsimula ang training camp.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *