Dwayne “The Rock” Johnson at pamilya nito, nakarerekober na mula sa COVID-19

Dwayne “The Rock” Johnson at pamilya nito, nakarerekober na mula sa COVID-19

NAGBIGAY ng mensahe si Dwayne “The Rock” Johnson sa lahat matapos siyang magpositibo sa COVID-19 maging ang asawa at anak niya.

Sa IGTV ng actor, pinaalalahan niya ang lahat na maging maingat at huwag baliwalain ang coronavirus.

Batay sa video sa pinost ni Johnson sinabi nito na ang pagkakaroon ng COVID-19 ay maituturing niya na “most challenging and difficult” kumpara sa mga problemang dumating sa buhay nila.

Dagdag pa ni Dwayne na sana siya nalang ang tinamaan ng virus at hindi na nadamay pa ang kanyang pamilya.

Gayunpaman, nagpasalamat ang aktor dahil sa gitna kahit positibo sila sa COVID-19 ay nanatili silang malakas at malusog.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *