MOU
National

Duterte, walang ginagawang pagtataksil sa MOU ng Pilipinas at China

IGINIIT ng Malacanang na walang ginawang pagtataksil si Pangulong Rodrigo Duterte sa paglagda sa Memorandum of Understanding (MOU).

Ito ay sa paglagda sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang MOU ay isang framework pa lamang.

Upang magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa kaugnay sa oil and gas exploration.

Kaugnay nito, hinimok ang Malakanyang na isapubliko ang mga kasunduan sa pagitan ng Chinese government.

Ayon ito kay Catholic Bishops Confe­rence of the Philippines-Permanent Committee on Public Affairs Executive Secretary Fr. Jerome Secillano.

Sinabi ni Father Secillano na karapatan ng samba­yanang Pilipino na malaman kung ano ang mga pakinabang ng Pilipinas.

Ito ay sa ginawang dalawang araw na state visit sa bansa ni Chinese President Xi Jinping.

Ayon kay Father Secillano, tungkulin ng pamahalaan na ang mga naging kasunduan ay hindi lang para sa katiyakan ng ekonomiya ng bansa.

Kundi maging ang pangangalaga sa pambansang interes, kasarinlan at seguridad ng bansa.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *