National

Duterte wala pang napipiling bagong kalihim ng DENR


Wala pang napipili si Pangulong Rodrigo Duterte na bagong kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ito ang inihayag ni dating DENR Secretary Gina Lopez matapos ang text message sa kanya ni Special Assistant to the President Secretary Christopher “Bong” Go.
Sinabi naman ni Lopez na hihikayatin niya ang pangulo na pamunuan ang DENR sa oras na magkita silang dalawa.
Gayunman, tiniyak ni Lopez na kanyang susuportahan ang sinumang papalit sa kanyang posisyon.
Una nang sinabi ni Lopez na handa siyang maging undersecretary ng ahensiya kung ang pangulo mismo ang magiging kalihim nito.
Nilinaw rin ni Lopez na wala siyang balak tumakbo bilang senador sa susunod na eleksiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *