Duterte, posibleng manghiram ng $300-M para sa COVID-19 vaccines

Duterte, posibleng manghiram ng $300-M para sa COVID-19 vaccines

PLANONG manghiram ng pera ang pamahalaan sa Amerika ng $300 milyon para pambili ng COVID-19 vaccines.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naging public address niya kagabi.

Muli namang tiniyak ng pangulo na uunahin ng pagbabakuna ang mga mahihirap.

Nilinaw din ni Duterte na posibleng hindi agad makakuha ng COVID-19 vaccines ang bansa dahil natural lang naman umano na uunahin muna ng manufacturer ang kanilang taongbayan para sa bakuna.

Muli namang ipinaalala ng pangulo na hindi niya pababayaan ang bansa kung magkakaroon na ng COVID-19 vaccine at sa lalong madaling panahon ay pagsisikapan niyang makakuha agad nito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *