Duterte, pinayagang mag-import ng COVID-19 vaccine ang pribadong sektor

Duterte, pinayagang mag-import ng COVID-19 vaccine ang pribadong sektor

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si vaccine czar Carlito Galvez Jr na lagdaan ang anumang dokumento na magpapahintulot sa mga pribadong sektor na mag-import ng COVID-19 vaccines.

“I have ordered Secretary Galvez to sign any and all documents that would allow the private sector to import at will, miski ilan ang gusto nilang ipasok, okay sa akin,” pahayag ng Pangulo.

Payag si Pangulong Duterte sa maging hakbang ng mga pribadong sektor na bumili ng kanilang sariling COVID-19 vaccines dahil may limitasyon sa bilang ng mga dosis na maaaring mabili ng pamahalaan.

“Tayong gobyerno, ito lang ang nakuha natin, ito lang din ang binigay,” aniya pa.

Natukoy ng Pangulo na maraming mga employers ang nagdesisyon na bumili ng COVID-19 vaccines para sa kanilang mga empleyado upang makapagpatuloy na sila sa kanilang operasyon.

“Maraming negosyante na gusto bumili kasi ibigay nila sa kanilang mga trabahante. You know what is the reason? So that economy can open,” ayon sa Pangulo.

Dagdag ng Pangulo na marami sa mga pagawaan ang nagsara dahil hindi makapagtrabaho ang kanilang mga empleyado.

“Yung mga factories nila, walang trabahante because maraming restrictions sa mobility ng tao. There are so many restrictions and workers come from all places,”dagdag ng Pangulo.

(BASAHIN: 1 milyong biniling Sinovac vaccine, dumating na mula China)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *