Duterte, pinasalamatan si Pastor Apollo sa cash assistance para sa mga pamilya ng mga sundalong nasawi

Duterte, pinasalamatan si Pastor Apollo sa cash assistance para sa mga pamilya ng mga sundalong nasawi

NAGPAABOT ng pasasalamat si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Pastor Apollo Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ sa cash assistance na ipinagkaloob para sa mga pamilya ng mga sundalo at sibilyan na namatay sa bumagsak na Philippine Air Force (PAF) C-130 transport plane sa Patikul, Sulu.

Ang pahayag ni Pangulong Duterte ay sa gitna ng patuloy na pagdadalamhati nito sa pagkasawi ng mga miyembro ng tropa ng gobyerno at iba pa.

Sa kanyang Talk to the People Address nitong Lunes ng gabi, pinasalamatan ng Punong Ehekutibo ang kanyang malapit na kaibigan na si Pastor Apollo sa ibinigay  na P20,000 financial assistance bawat pamilya.

“Then, we have Pastor C. Quiboloy will extend P20,000 cash assistance to the family of the soldiers and civilians who perished in the incident,” pahayag ni Pangulong Duterte.

Sa kabuuan, mahigit P1-M ang halaga ng donasyon ang ibinigay ni Pastor Apollo C. Quiboloy para sa 53 pamilya ng mga nasawing sundalo at sibilyan sa naturang plane crash.

Una nang nagpaabot ng pakikiramay at nag-alay ng dalangin ang butihing Pastor para sa mga nasawi sa naturang aksidente sa Sulu.

Muli ring nagpaabot ng pakikidalamhati si Pangulong Duterte sa mga pamilya ng mga sundalo at sibilyan na namatay sa plane crash.

“Before proceeding, allow me to again extend our deepest condolences to the family of our soldiers and civilians who perished in the recent C-130 crash in Sulu. We shall always remember our soldiers’ deep devotion to duty and willingness to risk their lives for our country and our people,” ayon sa Pangulo.

Samantala, kasabay ng patuloy na pagdadalamhati sa mga nasawing sundalo, kinilala at pinasalamatan naman ni Pangulong Duterte ang mga taong tumulong sa pagligtas sa mga biktima ng C-130 plane crash  sa Sulu.

“We are also grateful to the local community and individuals who rushed to the crash site and tried to save as many lives as they could. Now, these people in the vicinity or in the area were mostly Tausugs at sabi ko salamat naman sa inyong tulong. Shukran,” ayon pa kay Duterte.

Batay naman sa pahayag ng Tactical Operations Wing Western Mindanao Commander na si Colonel Dennis Estrella, nagbigay din sila ng suporta sa mga pamilyang nawalan ng tirahan sa naturang insidente kung saan magkakaloob din ito ng tulong pinansyal sa mga naapektuhan para muling makapagsimula.

Personal ding binisita at kinamusta ng Philippine Air Force ang ilan namang sundalo at sibilyan na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Nabatid na may lulang 96 na mga sundalo ang C-130 plane na kinabibilangan ng tatlong piloto, limang air crew at 88 pasahero.

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na bagong graduate sa basic military course ang mga biktima na buhat sa Cagayan de Oro at ide-deploy na sana sa 11th Infantry Batallion ng Joint Task Force Sulu.

Kaugnay nito, inutos na rin ng pamunuan ng Department of National Defense ang masusing imbestigasyon upang madetermina ang dahilan ng aksidente.

BASAHIN: Pastor Apollo C. Quiboloy, namahagi ng mga motorsiklo ilang araw bago ang kanyang kaarawan

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *