nilagdaan na
National

Pangulong Duterte, nilagdaan na ang batas para sa BSP

NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na mas magpapalawig sa kapangyarihan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Pebrero 14 nang lagdaan ng Pangulo ang “The New Central Bank Act.”

Naglalayong umentuhan ang paid-up capital ng monetary authority sa dalawandaang bilyong piso mula sa 50 bilyong piso.

Pinalakas din ng batas ang regulatory powers ng Central Bank sa ibang non-bank financial institution.

Tulad ng money service businesses, credit-granting businesses at payment system operators.

Sa ilalim ng inamiyendahang batas, pinagkalooban ang BSP ng expanded powers para magpataw ng administrative at criminal sanctions.

Maaari rin itong mag-forfeit ng profits mula sa unauthorized financial transactions.

Maliban dito, maaari magpataw ng parusa ang Central Bank sa ‘transfers and acquisitions’ ng 10 percent ng voting shares ng mga bangko.

Maging sa quasi-banks kahit wala ng approval nito.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *