economic adviser
National

Duterte, nakipagkita sa dating economic adviser Michael Yang at actor Jackie Chan

NAKIPAGKITA si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang dating economic adviser na si Michael Yang sa Beijing, China.

Sinabi ni senador bong go na nagkaroon ng private lunch ang dalawa kasama ang delegasyon, ilang kaibigan at si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua.

Matatandaang naging kontrobersiyal si Yang matapos itong isangkot sa drug trafficking ni dating pulis Eduardo Acierto na dating namumuno sa police anti-illegal drugs group.

Samantala, maliban sa mga pulitiko ay nakipagkita rin ang pangulo sa Hong Kong action star na si Jackie Chan sa Beijing kahapon.

Sa larawan na ibinihagi ni Senador Bong Go, makikita ang action-comedy legend na game na game sa pagpose ng signature fist bump ng pangulo.

Binigyan naman ni Chan ang pangulo ng kanyang 2015 Memoir Never Grow Up at jacket sa kasagsagan ng kanilang maikling pulong.

Sa ngayon ay wala pang ibinibigay na detalye ang Malacañang sa pinag-usapan nina pangulo at Chan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *