Duterte, nagparehistro na para sa National Identification System

Duterte, nagparehistro na para sa National Identification System

NAGPAREHISTRO na si Pangulong Rodrigo Duterte para sa National Identification System.

Kahapon, kinuhaan ang pangulo ng Philippine Statistics Authority (PSA) ng biometric data gaya ng picture at fingerprints sa Malacañang.

Sa mga larawan na inilabas ng Malacanang, makikita rin na naka-thumb ups ang pangulo matapos suriin ang isa sa mga printed National ID card.

Bukod kay Pang. Duterte, sumailalim din sa registration process sina Senator Christopher “Bong” Go at Executive Secretary Salvador Medialdea.

Taong 2018, nang pirmahan ng pangulo bilang batas ang National ID System Act na layong bumuo ng official identification card para sa lahat ng Pilipino at pag-isahin na lamang ang mga ID ng gobyerno.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *