National

Duterte naging popular sa buong mundo dahil sa pag-atake kay Obama, EU

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na dahil sa kanyang pag-atake kay dating US President Barack Obama at sa European Union (EU) ay naging mas popular pa raw siya sa buong mundo.
Tinukoy rito ni Duterte ang pangunguna niya sa online voting ng Time Magazine para sa “100 most influential people in the world.”
Naungusan ng pangulo ang ibang global figures gaya nina Russian President Vladimir Putin at Pope Francis.
Pero sa kabila raw nito, wala naman siyang impluwensiya kahit man lang sa kanyang Justice secretary.
Ayon sa pangulo, hindi niya gawain ang mang-impluwensiya ng mga tauhan.


 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *