Duterte, ipinanawagan ang mas matibay na kooperasyon ng mga bansa laban sa pandemya at terorismo

Duterte, ipinanawagan ang mas matibay na kooperasyon ng mga bansa laban sa pandemya at terorismo

MAS matibay na kooperasyon ng mga bansa ang kailangan upang masugpo ang pandemya ng COVID-19 habang patuloy namang hinaharap ang banta ng terorismo.

Ito ang naging panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa 2020 Aqaba Process Virtual Meeting on COVID-19 Response kung saan si Jordanian King Abdullah II ang nag-host.

Nanawagan din ang punong ehekutibo ng mas malalim na pagkakaisa upang mapadali ang economic recovery at epektibong malabanan ang terorismo at violent extremism.

“As insecurity rises, the fear of the “Other” and the unknown heightens. This brings out man’s darkest tendencies to look inward and go it alone. But the path to recovery requires more openness, deeper solidarity, and stronger cooperation among nations.”

                         —President Rodrigo Duterte     

Sentimyento ni Pangulong Duterte, habang ang Pilipinas ay abala sa pagtugon sa epektong dulot ng pandemya ay sinasamantala naman ng mga terorista ang sitwasyon na makapaghasik ng kaguluhan sa bansa.

“Excellencies, even as we are navigating ourselves out of this pandemic, the Philippines continues to confront security threats. Indeed, COVID-19 has not quarantined terrorists. Local terrorist groups, such as the Abu Sayyaf, the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, and the New People’s Army of the Communist Party of the Philippines, are exploiting the situation to serve their nefarious ends.”

                       —President Rodrigo Duterte

Gayunman, sinabi nI Pangulo Duterte na nalutas ng Pilipinas ang paglaban nito sa terorismo sa mas pinalakas na pamamaraan.

Kasabay nito’y iginiit ng presidente na hindi dapat pinalalampas ng mga lider ang pagkakataon na magtatag ng bagong kautusan na nagsasaad na walang lugar ang mga terorista o extremist forces sa lipunan kasabay ng pag-unlad at paglago ng isang bansa.

Pahayag pa ng chief executive, ang malayang paggalaw ng ‘goods, capital, at services kasabay ng pagpapatupad ng safety protocols, ang susi sa pagbahagi ng kasaganahan.

Nangako naman si Pangulong Duterte na palalakasin niya ang pakikipag-ugnayan sa United Nations, ASEAN, at iba pang international partners kabilang na ang Jordan.

Pinasalamatan naman ng pangulo si King Abdullah II para sa napapanahong pagpupulong kung saan nakikita ng Aqaba partners ang oportunidad na mag- recommit upang mapag-ibayo ang kooperasyon.

Ang Aqaba Process Meeting ay pagsasama-sama ng mga lider at pinuno ng international organizations kung saan nagpapalitan ng pananaw ang mga ito kung paano palalakasin ang kooperasyong internasyunal.

Ito’y dahil na rin sa pagtaas ng vulnerability ng maraming bansa para sa radikalisasyon at violent extremism na resulta ng COVID-19 pandemic.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *