National

Duterte inatasan ang militar na patayin na ang mga natitirang terorista sa Bohol


Ipinag-utos ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines na patayin na ang mga natitira pang terorista sa Bohol.
Ginawa ng pangulo ang pahayag kasabay nang pormal na pagbubukas ng 2017 Palarong Pambansa sa Antique.
Sinabi ni Duterte sa mga militar na huwag ihaharap sa kanya nang buhay ang mga bandido.
Tinawag pa ng pangulo na ‘animal’ ang mga terorista, na maaari rin daw niyang kainin.
Una nang inihayag ng AFP na tatlo pang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang patuloy nilang pinaghahanap sa Clarin, Bohol na nakatakas matapos ang kanilang sagupaan at ikinasawi ng lider ng mga ito na si Joselito Milloria.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *