Duterte, inaprubahan na ang advance payments para sa bakuna kontra COVID-19

Duterte, inaprubahan na ang advance payments para sa bakuna kontra COVID-19

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang advance supply agreements at ang early payments sa mga manufacturer ng bakuna laban sa coronavirus disease o COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na pumayag si Pangulong Duterte sa rekomendasyon ni National Task Force o NTF Against COVID-19 Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr.

Inimungkahi ni Galvez na pumasok sa advance market commitments sa mga pribadong dayuhang developers at magbigay ng advance payments ang bansa.

Ito ay upang matiyak na ang maka-secure ang Pilipinas ng vaccine doses oras na maging available na ito.

Inilatag naman ng Malakanyang ang proseso sa advance market commitment para sa bakuna kontra COVID-19.

Inaasahan namang pirmahan ni Pangulong Duterte ang Executive Order para sa Emergency Use Authorization (EUA).

Oras na mailabas na ang naturang EO, ay mapabibilis ang proseso ng paggamit ng mga bakuna na naaprubahan na rin sa ibang mga bansa na kung san na-develop ang vaccines.

Ipinaliwanag naman ng FDA Director General Eric Domingo ang patungkol sa emergency use authorization o EUA.

“Ito iyong ibinibigay na authorization ng FDA for a product to be used kahit under development pa siya. Ibig sabihin ay ongoing pa halimbawa iyong clinical trial phase 3, pero nakita sa maagang mga resulta na very beneficial siya at iyong risk ay mababa….maaari siyang ibigay ng FDA,” ayon kay Domingo.

Samantala, inihayag ni Secretary Galvez na ang China, United Kingdom, Singapore, Australia, at Estados Unidos ay mayroong alokasyon ng COVID-19 vaccine para sa Pilipinas.

Sa first quarter naman ng taong 2021, posible nang makakukuha ang Pilipinas ng COVID vaccine mula sa bansang Russia.

Iginiit ni Galvez na walang dapat ipag-alala ang mga Pilipino dahil gaya aniya ng nais ni Pangulong Duterte, ay titiyakin nilang magkaroon ng access sa bakuna kontra COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *