Duterte, ibabalik sa MECQ ang NCR at ilang kalapit na probinsiya simula Agosto 4

Duterte, ibabalik sa MECQ ang NCR at ilang kalapit na probinsiya simula Agosto 4

WoodProfit

INILAGAY ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang buong National Capital Region (NCR) kabilang ang Laguna, Cavite, Bulacan, at Rizal simula bukas, Martes August 4.

Ito ang inanunsyo ng Pangulo sa kanyang public address kagabi bilang tugon sa panawagan ng mga healthcare worker base na rin sa rekomendasyon ng kanyang gabinite sa pangunguna ni Health Secretary Franciso Duque III.

Ang MECQ sa mga nabanggit na lugar ay magtatagal sa loob ng labing limang araw.

Matatandaang humiling ng time-out ang mga healthcare worker dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa at ilagay sa ECQ ang Mega Manila.

Tugon sa kahilingan ng medical frontliners, inilatag

 Samantala, inihayag ni Department of Health Secretary Francisco Duque ang mga action plan upang mabigyang sagot ang suliranin ng mga medical frontliners sa pagsugpo ng COVID-19 sa bansa.

PHOTO JOB

Ayon kay Duque, kailangang pag-ibayuhin ang ipinatutupad na lockdown protocols sa mga lugar na isinasailalim sa MECQ.

Kailangan din aniyang mag-hire pa ng karagdagang health workers at bumuo ng health workers reserve at paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa pribadong mga ospital.

Mabigyan din dapat ng karagdagang risk allowance hanggang P10, 000 at magkaroon ng free life ensurance.

Libre at maayos na accommodation at transportasyon at palagiang pagpapa-COVID-19 test upang maagapan agad ang sakit sa mga health workers.

Mag-require ng work at quarantine pass upang makontrol ang paglabas o galaw ng mga tao sa kanilang pamamahay.

At pang huli ay mas mahigpit na pagpatutupad ng street enforcement ng guidelines sa minimum health standards.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *