Duterte
National

Duterte, hindi payag sa “No-El”

Hindi sang-ayon si Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng “No-Election” scenario sa 2019.

Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque base na rin sa kanilang pag-uusap ni Pangulong Duterte.

“I told him that house leadership might push for “No-El” to facilitate charter change and he says I will not have a hand in that.” – Sec. Harry Roque, Presidential Spokesperson

Naniniwala si Duterte sa pagkakaroon ng halalan bilang bahagi ng demokrasya kaya’t hindi siya makapapayag na hindi matuloy ang nakatakdang eleksiyon sa 2019.

Pero kung People’s Initiative naman ang dahilan posible aniyang pagbigyan ng pangulo na hindi matuloy ang ang halalan.

“Pero kung People’s Initiative ano pa magagawa mo kung galing na ‘yan sa taumbayan.” – Sec. Harry Roque, Presidential Spokesperson

Muling iginiit ng Malakanyang na walang balak ang Pangulong Duterte na palawigin ang kaniyang termino.

Magugunitang isinusulong ni House Speaker Pantaleon Alvarez na huwag ituloy ang halalan sa susunod na taon para bigyang-daan ang pagtalakay ng mga mambabatas sa Charter Change.

Hannah Jane Sancho

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *