National

Duterte, Cimatu hindi kayang ipagbawal ang pagmimina


Hindi kaya ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na ipagbawal ang pagmimina sa bansa.
Ayon sa pangulo, nais nilang magpatupad nang mahigpit na patakaran sa pagmimina pero hindi basta maaaring balewalain ang mining law.
Aniya, mismong batas ang pumapayag sa pagmimina.
Payo naman ni Duterte sa bagong DENR secretary na maging totoo lamang sa sarili at sa bansa at protektahan ang kalikasan.
Sinabi naman ng pangulo na wala pa siyang planong bigyan ng bagong posisyon si dating Environment Secretary Gina Lopez.
 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *