Sports

Durant posibleng di-makalaro sa Game 2 ng GSW vs Blazers

 


Posibleng hindi makapaglaro si Kevin Durant sa laban ng Golden State Warriors (GSW) kontra-Portland Trail Blazers sa Game 2 ng National Basketball Association (NBA) playoffs.
Nakaranas si Durant ng pamumulikat dahil sa strained left calf sa laro ng Warriors kontra-Blazers noong Game 1.
Ayon kay Warriors head coach Steve Kerr, hindi nakapunta sa practice ng koponan noong Martes si Durant.
Matatandaang nagtamo ng injury si Durant sa kaliwang binti sa laban ng Warriors kontra-Washington Wizards noong Pebrero.
Maliban pa kay Durant, posible ring hindi makapaglaro si Warriors guard Shaun Livingston at Matt Barnes dahil sa injury sa kamay at tuhod.
Magaganap ang Game 2 sa balwarte ng Warriors bukas.
 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *