bibitawan
Showbiz

Duke and Duchess of Sussex na si Prince Harry at Meghan, bibitawan ang pagiging “senior” royals

INANUNSYO na ng Duke and Duchess of Sussex na si Prince Harry at Meghan desisyon nitong bumaba sa pagiging “senior” royals.

Sa isang pahayag sinabi ng dalawa na nais nilang magtrabaho bilang commoners upang makamtan ang pagiging financially independent.

Plano din nila na hatiin ang kanilang oras sa pagitan ng UK at North America.

Tiniyak naman nina Prince Harry at Meghan na kanila itong pinagisipang maigi, pinagusapan at pinagnilayan bago isagawa ang desisyon.

Kasunod nito ay sinabi ng royal couple na patuloy nilang susuportahan ang royal family.

Dismayado naman ang Buckingham Palace sa isinagawang pagbitiw ng dalawang senior royals.

 

 SMNI NEWS 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *