Duhatan Bridge ground breaking ceremony, isinagawa sa Calatagan, Batangas

Duhatan Bridge ground breaking ceremony, isinagawa sa Calatagan, Batangas

MATAGUMPAY na naisagawa ang ground breaking ceremony ng Duhatan Bridge sa Calatagan sa lalawigan ng Batangas noong Hulyo 16.

Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat si Batangas Governor Dodo Mandanas sa isinagawang ground breaking ceremony ng Duhatan Bridge.

Sakaling matapos na ang proyekto ng Duhatan Bridge ito ay magpapabilis sa pagbiyahe ng mga residente ng Barangay Biga, Calatagan.

Pinangunahan nina Provincial Engineer Gilbert Gatdula, Biga Barangay Captain Vivencio Delos Reyes, mga kagawad ng barangay at mga kawani ng kapitolyo ang nasabing seremonya.

Samantala, sa parehong araw ay inilunsad naman sa lungsod ng Tanauan ang “Gender Responsible Farmer’s Field School on Vegetable Crops Production” sa JP Laurel National High School sa Barangay Sulpoc.

Ang programa ay layuning makapagbigay sa 35 mga benepisyaryo ng sapat na pagsasanay sa agricultural technology.

Ang implementasyon ng programa para sa mga magsasaka ay sa pakikipagkooperasyon ng city agriculture, Gender and Development Department at Departemnt of Education (DepEd).

BASAHIN: Leisure travel, ipinagbawal sa Agoncillo at Laurel, Batangas

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *