tinapay
National

DTI, tiniyak na walang paggalaw sa presyo ng tinapay

TINIYAK ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang paggalaw sa presyo ng produktong tinapay.

Kasunod ng bantang price increase dahil sa pagmahal ng presyo ng harina at asukal.

Sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na walang pagtaas o pagbaba sa presyo ng tinapay sa ngayon.

Dahil hindi gumagalaw ang presyo ng trigo at asukal.

Iginiit ni Castelo na hindi maaaring magtaas ng presyo ang mga panadero hangga’t hindi alam ng DTI.

Samantala, inihahanda na ng DTI ang listahan ng Suggested Retail Price (SRP) ng noche buena items dahil sa papalapit na pasko.

Nagbabala si DTI Usec. Castelo sa mga mangangalakal na hindi sumusunod sa itinakdang presyo ng mga produktong agrikultura.

Hinimok din ni Castelo ang mga konsyumer na maging mapanuri sa pagbili ng produkto.

Ayon kay Castelo, binigyan nila ng hanggang Disyembre 1 ang mga manufacturer na hindi puwedeng maggalaw ng presyo na nagsimula noong Setyembre 1.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *