SRP list
Business

DTI, nakatakdang maglabas ng panibagong SRP list sa Hulyo

NAKATAKDANG mag-isyu ang Department of Trade and Industry (DTI) ng bagong  suggested retail price o SRP list sa katapusan ng Hulyo.

Kasunod ito ng pag-apruba ng DTI sa taas-presyo ng ilang mga brands ng condensed milk, evaporated milk, 3-in-one coffee at patis.

Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo, magiging epektibo ang price increase sa mga nabanggit na produkto sa Hulyo 15.

Kasunod nito, ibinahagi ng opisyal na mayroong ilang brands ng sardinas ang nagpasa ng aplikasyon para sa taas-presyo na plano nilang hati-hatiin upang hindi masyadong mabigat sa mga mamimili.

Layon ng SRP list na magabayan ang mga consumers at mga pamilihan sa tamang presyo ng mga produkto.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *