Business

DTI, hindi sang-ayon sa posibleng pagbabalik ng bansa sa ECQ

work from home

HINDI inirerekomenda ng Department of Trade and Industry (DTI ) ang posibleng pagsasailalim ng bansa sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

 

Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay bunsod na rin sa pinaigting na testing ng pamahalaan.

 

Bumababa naman ani Lopez ang bilang ng mga nasawi kung kaya’t hindi ito dapat maging rason para ibalik sa ECQ ang bansa.

 

Mamatay na talaga aniya ang ekonomiya ng bansa kung hihigpitan ulit ang quarantine protocols.

 

Matatandaang inihayag ng Malakanyang na posibleng ibalik sa mas mahigpit na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila kung aabot sa 85,000 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa Hulyo 31, tulad na lamang ng pagtaya ng mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP).

 

Kahapon ay nakapagtala na ng mahigit sa 83, 000 na kumpirmado ng COVID-19 ang bansa ayon sa hulig datos ng Department of Health (DOH).

 

SMNI NEWS

 

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close