DSWD, tiniyak na may ipamamahaging food packs para sa biktima ng Bagyong Maring

DSWD, tiniyak na may ipamamahaging food packs para sa biktima ng Bagyong Maring

TINIYAK ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may ipamamahaging food packs para sa biktima ng Bagyong Maring.

Naka-stand by na ang mga ipamamahaging food packs para sa mga apektado ng Bagyong Maring.

Ito ang pagtitiyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa DSWD, may mahigit sa 22, 800 na family food packs na nakaimbak sa Biday warehouse, San Fernando, La Union.

Meron din umanong mahigit 15, 000 na non-food items na kinabibilangan ng hygiene kits, family kits, kitchen kits, sleeping kits at tents.

May standby fund din na aabot sa P4.6-M ang ahensya.

Samantala, nasimulan na ng DSWD ang pamamahagi ng food packs sa Itogon, Benguet at Cagayan Valley.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *