huwag magbibigay ng limos
National

DSWD, nagpaalala sa publiko na huwag magbibigay ng limos sa lansangan

NAGPAALALA ang Department of Social Welfare and Development o (DSWD) sa mga tao na huwag magbibigay ng limos sa mga katutubo at mga bata sa lansangan.

Ayon sa DSWD, nalalagay lamang sa panganib ang kaligtasan ng mga nanlilimos sa lansangan.

Ipinaalala nito ang Presidential Decree No. 1563 o Anti-Mendicancy Law na nagbabawal sa panlilimos sa lansangan.

Dagdag pa ng DSWD, maraming paraan upang makatulong katulad na lamang ng mga feeding program, medical mission at iba pa.

Hinihikayat rin ng DSWD ang mga nais tumulong na makipagtulungan sa local government units o LGU’s para matulungan ang mga katutubo at batang namamalimos sa lansangan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *