National

Drug supplier nakatakas sa kustodiya ng PNP-DEG


 


Kinumpirma ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) na nakatakas ang Korean-American drug supplier na si Jun No alyas “Jazz.”
Ayon sa PNP-DEG, nakatakas sa East Avenue Medical Center ang suspek matapos itong sumailalim sa operasyon dahil sa acute appendicitis.
Batay sa impormasyon, tumakas si No nang mag-almusal ang isa nitong bantay samantalang tulog naman ang isa pang bantay nito.
Sa ngayon ay tatlong operating teams na ang ipinakalat ng PNP-DEG na tututok sa paghuli sa drug suspect.
Matatandaang inaresto noong Abril 5 si No matapos mahulihan ng 140 tableta ng ecstasy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *