structural integrity test
National

DPWH, magsasagawa ng structural integrity test sa mga istraktura na naapektuhan ng lindol sa Mindanao

NAKATAKDANG magsagawa ng structural integrity test ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga pampublikong istraktura na nakitaan ng mga bitak matapos ang magnitude 6.6 na lindol Mindanao.

Sinabi ni DPWH Sec. Mark Villar na nais nilang matiyak na nasa maayos ang kondisyon ng mga gusali bago okupahin ng mga tao, lalo na ang mga paaralan, ospital at mga tanggapan ng gobiyerno.

Makakatuwang ng DPWH ang local engineering offices ng mga lokal na pamahalaan.

Hinimok din ng kalihim ang publiko na agad i-report sa kanilang tanggapan kung makakakita ng bitak sa mga istraktura, upang agad itong masuri kung ligtas pang tirhan o gamitin.

Sa ngayon ay nananatili sa mga itinayong tent ang mga apektadong pamilya na tumanggi pang umuwi sa kanilang bahay habang hindi pa humuhupa ang malalakas na aftershocks.

Samantala, iniulat naman ng Civil Aviation Authority of the Philippines na walang naitalang pinsala sa mga runway ng GenSan, Butuan at Davao City na mga nakaranas ng malakas na lindol.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *