DOTr, humirit na isama ang bike lane routes sa Google maps

DOTr, humirit na isama ang bike lane routes sa Google maps

HINILING ng Department of Transportation (DOTr) sa giant tech na Google na maisama sa popular real-time navigation app na Google Maps ang mga bike lane routes sa Pilipinas.

Ito’y  upang matulungan ang mga nag-bibisikleta sa kanilang daily commutes.

Ayon Kay Transport Secretary Art Tugade, kasalukuyan na silang nakikipag-ugnayan sa Google kaugnay sa nasabing proyekto.

Ani Tugade, mainam na innovation ito sa Google Maps lalupa’t maraming Pilipino na ang nagbibisikleta, hindi lamang bilang mode of transportation pero sa signipikanteng dulot nito sa kalusugan sa gitna ng pandemya.

“This will be a very good innovation for Google Maps considering that many Filipinos now are riding bikes as their main mode of transportation which brings significant health and environmental benefits especially amid the pandemic,” pahayag ni Tugade.

Ayon kay Tugade, naghihintay pa sila sa approval ng Google ngunit kumpiyansa naman  sila na mapagbibigyan nito ang kanilang kahilingan.

“We have asked Google to consider this suggestion top priority considering the increasing number of Filipino cyclists. We are confident that we can win their support on this,” ayon kay Tugade.

Nabatid na halos nakumpleto na ng DOTr ang kanilang 500-kilometer bike lane network sa mga metropolitan cities sa buong bansa, na kinabibilangan ng Metro Manila (313.12 kilometers), Metro Cebu (129.47 kilometers), at Metro Davao (54.74 kilometers).

Ang mga naturang bike lanes ay mayroong pavement markings, physical separators, solar-powered road studs, thermoplastic paints, road signages, at bike racks.

Ang proyekto ay pinondohan ng pamahalaan sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act.

Matatandaan na maraming mga siklista ang natuwa sa proyekto ng DOTr kung saan mas pinaigting ang bicycle program sa bansa.

Kabilang sa proyekto ang pagpapahaba ng bike lanes sa pangunahing kalsada ng Metro Manila, Cebu at Davao.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *