Domestic flights, kanselado dahil sa masamang panahon

Domestic flights, kanselado dahil sa masamang panahon

KANSELADO ang dalawang domestic flights ngayong-araw dahil sa masamang panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang Flights 5J 506 at 507 na Manila patungong Tuguegarao at pabalik ng Cebu Pacific.

Pinapayuhan naman ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa Airline company para sa rebooking o refund ng kanilang tickets na domestic flights.

Samantala, batay sa huling tala ng Philippine Coast Guard, 9 na drayber kasama ang helper ang na-istranded sa ilang ports sa Southern tagalog dahil sa bagyo.

Kasama sa mga apektado ng bagyong Maring ang Real port, Dinahican port, at Polillo port sa probinsya ng Quezon.

Bukod sa mga tao, nahinto rin ang operasyon at biyahe ng apat na mga barko, 9 na mga motorbanca at 2 rolling cargoes.

Patuloy naman ang paalala ng pamunuan ng NDRMC sa publiko lalo na sa mga apektado ng bagyong Maring na mag-ingat at maging mapagmatyag sa posibleng landslide, at mga pagbaha.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *