DOLE, sinuspinde ang kanilang pasok sa head office ngayong araw at Enero 17

DOLE, sinuspinde ang kanilang pasok sa head office ngayong araw at Enero 17

SINUSPINDE ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang trabaho sa kanilang head at regional offices sa National Capital Region (NCR) ngayong Biyernes, Enero 14 at sa Lunes, Enero 17.

Ito ay bunsod ng pagtaas ng COVID-19 cases sa rehiyon at tumataas na bilang ng mga kaso sa ahensya.

Sa isang pahayag, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na kahapon, Enero 13 ay mayroong 128 infected official at staff sa DOLE.

Katumbas aniya ito ng 21% ng 600 personnel sa central office ng departamento.

Magbabalik naman ang trabaho sa head at regional offices sa Martes, Enero 18.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *