DOLE, nagpaabot ng pakikiramay sa mga pamilya ng nasawi sa Lebanon

DOLE, nagpaabot ng pakikiramay sa mga pamilya ng nasawi sa Lebanon

NAGPAABOT ng pakikiramay ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga pamilya ng dalawang Filipino workers na nasawi sa malakas na pagsabog sa Beirut, Lebanon.

Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III, naipaalam na sa pamilya ng mga biktima ang malungkot na balita at ibibigay ang nararapat na tulong sa bawat pamilya para sa agarang repatriation ng mga nasawing OFW sa bansa.

Woodprofit

Dasal rin aniya ng DOLE ang agarang paggaling ng walo pang Pinoy na nasugatan sa pagsabog na kasalukuyang nagpapagamot sa iba’t ibang ospital sa Lebanon.

Pagtitiyak ni Bello na bibilisan ang paglabas ng nararapat na insurance at OWWA benefits para sa lahat na biktima ng trahedya.

Dagdag pa ng kalihim, nakikipag-ugnayan na ang kanilang tanggapan sa Beirut authorities para ma-locate ang nawawalang labing isang pang OFWs na lahat ay seabased workers na nakadaong sa port of Beirut.

Sinabi ni Bello na tinatrabaho na nila ang ligtas na pag-uwi ng mga OFW sa bansa kung nais ng mga ito.

SMNI NEWS

PHOTO JOB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *